Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Noise of Fart


Matapos ang isang taon … magsusulat na naman ako ng walang kwenta.

Ang sakit ng katawan ko pag gising kaninang umaga. Nautot ako sabay sabing “hoooo! lumabas din.” tapos natulog ulit ako. Pero siyempre hindi yan ang intro ng tekstong ito. Kumbaga palabok lang. Share lang.

Bigla lang nasagi sa aking malikot at makitid na kaisipan kung nasabi ba sa bibliya na ang kaingayan ay kasalanang mortal ng tao. Kung nasabi man ito, aba’y malamang sa impyerno na ang bagsak ko.

Ingay. Ingay daw ang isa sa senyales upang masabi na magulo ang lugar na kinalalagyan mo. Ito ang sumisira sa tulog ng mga batugang tulo laway, sa kunwaring matinong pagtuturo ng mga gurong 24/7 ang regla, sa konsentrasyon ng mga nagpe-facebook sa library at sa pagrerelax ng mga senador na hindi nakikinig sa kapwa nila senador sa session hall.

Nagtatype ako ng mabilis sa library ngaun, maingay ang keyboard at nakikibasa sa gingawa ko ang katabi ko. tsk! wala ka talagang privacy pag nasa Pilipinas kahit nasa Philippine Constitution Article 3 naman at Sec. __ na dapat na ginagalang ang pribadong buhay ng bawat tao. (hindi ko alam ang sec. # ng batas na yan kaya wag nang demanding) so tumawa na pala tong katabi ko. malamang nabasa niya ung may “UTOT”, so what?

May mga koreano sa likod ko. Ang ingay nila pero dahil pilipinas ito, hindi sila babawalan. Hindi nila maintindihan ang nasa computer dahil english, mga bobo talaga itong mga ‘to. Pero siyempre joke lang yun dahil nararamdaman ko ang pakiramdam ng hindi matatas sa pagsasalita ng lenggwaheng Ingles. Barok pa din ang english ko.

Ingay. Iba’t iba ang sanhi nito. Pusang lumalandi sa bubong, Busina ng C.Point-Holy Hi-way na matakaw sa pasahero o nanay na pumuputak. Iba-iba tama? May mga pagkakataong napapaupo ako sa isang tabi at nasasabi na lamang na ‘ang ingay ng mundo ko’. Una dahil madaldal ako. Pero di lahat ng dinadadal ko ay pawang ingay lamang. Kadalasan minumulat ko lang ang ibang tao sa katotohanan pero sa pabiro at maingay na paraan. Hindi ako nanlalait. Hinihanapan ko lang ng saya ang imperpeksyon ng bawat isa. Halimbawa, kung iiyak at dadamayan kita dahil pangit ka, gaganda ka ba? Pero kung aasarin na lamang kitang ‘Maganda’ kahit pangit ka, aminin mo, kahit joke yun, tuwang tuwa ka.

May pagkakaton ding kahit itikom ko ang aking bibig ay maingay pa din sa paligid. Naaasar ako kapag ganun. Gusto kong manahimik pero SASA mga nasa paligid ko. Bigla na naman akong mapapaisip nun sabay sabing “wag kang feeling Dianne, ganyan ka din kadalasan.” saka ako ngingiti. Logically speaking, naiirita ako sa sarili ko. Ang pinagkaiba lang, 50/50 ang sense ng mga sinasabi ko, sa ibang tao kasi wala ng sense pinahahaba pa. Yung iba pa nga, nakakabastos na, hindi pa nagsasawa.

Siguro sakit na ng karamihan ang ganitong ugali. Maingay— distorbo, sarap sapatusin sa lalamunan at kurutin sa may BO na kili-kili. Maaaring ang kaingayan minsan nagbubunga ng kasayahan pero hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga pagkakataong wala na tayong pakialam sa bunga nito sa ibang tao. May iba pa na palaging nagrereklamo dahil hindi daw sila maintindihan at pinakikinggan ng mundo kaya sila ganito, pero ang totoo …

Nakikinig lang ang mundo, baka sadyang maingay ka lang kaya’t hindi mo rin naririnig ang pakikiayon nito sa iyo. Subukan mong manahimik. Baka sakaling magkaintindihan kayo pareho. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Say something :)