Huwebes, Setyembre 6, 2012

Confession of a Cheater (Pandaraya)


“It takes the courage of one to make a big change …”
Nape-pressure ka ba? Nawawalan ng gana? Napapagod ka na ba? Na sa inaraw araw na ginawa ng Diyos, paulit ulit na lamang ang ginagawa mo na minsan napag-iisipan mo nang isuko? Bakit?
May mga desisyon tayo na minsan kahit pa gaano natin pinag-isipan at kagusto, hindi pa rin ang inaasahan ang natatanggap natin. Pagkakamali ba natin iyon? O sadyang bunga lang ng mga nangyayari sa mundo na hindi natin kontrolado? Anuman ang dahilan, ang mahalaga alam natin itong harapin.
Bumakas ang malaking pagsisisi sa aking katauhan nang tila unti-unting pinapatay ng aking kasalukuyan ang maganda kong hinaharap. Maraming balakid. At hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko ito malalagpasan. Nakakapagod. Nakakabaliw. Nakakamatay. Para akong Pilipinas na hinahamon ang China sa giyera, o Filipino athlete na namamag-asang makapwesto sa Olympics.

Ang pangunahing pumapatay sa akin? Ang kultura na bumuo ng pambihirang sistema na ginawang tila piitan ang isang banal na institusyon. Iisa ang layunin ngunit iba-iba ang pamamaraan sa pagkamit nito. Mayroong kakaunting idadaan sa tuwid at tamang proseso ngunit mas madaming pumipiling idaan sa short-cut at mabuting usapan na lamang. Pakikisama. Isang salitang matagal nang nagagamit sa maling pangungusap. “Para mag-survive, makisama ka na lang.” At kelan pa naging sapilitan ang “pakikisama”? Emotional dissonance, tutol ka sa isang paniniwala ngunit pinili mong ayunan ito sa pag-asang mas makakabuti ito hindi lang sa’yo kundi sa lahat ng tao, ngunit sa huli mapagtatanto mong hindi pala tama ang ginawa mong pagpapaubaya sa nauna mo nang pinaniniwalaan.

Sa tinagal tagal ng pamamalagi ko sa lugar na ito, ilang beses kong tinangkang umalis. Hindi dahil duwag ako o mahina, kundi dahil hindi ko masikmura ang sistema. Hanggang sa pinili ko ang mas madaling solusyon, ang “makisama.” Unti-unti kong nilunok ang bawat pride na natitira sa aking kalamnan nang nung una’y ni hindi ko maatim na pakialaman. Konti pa at medyo nagustuhan ko na, parang sigarilyong masakit sa ngala-ngala sa una ngunit unti-unting sumasarap sa pakiramdaman hangga’t sa mahibang ka na sa bawat hithit at buga. Gusto mong makasabay nang walang hirap? Makisama ka.

Ngunit tulad ng sigarilyo na masarap balik-balikan, unti-unti ka rin nitong paglalamangan nang wala kang kaalam alam. Kinikitil ang bawat buhay na natitira sa iyong kalooban hanggang dumating sa puntong huling buga mo na lang ang kulang. Ganyan din sa pag-aaral, mag-eenjoy kang mandaya sa una, easy way eh. Hindi ka na nahirapan, uno ka pa. Pero ang tanong may natutunan ka ba? Kaya mo bang ipaliwanag ang bawat detalye ng mga sagot mo kung galing lang ito sa ibang tao? Nauto mo siya dahil mas mataas ka? Mali. Nauto ka niya dahil mas naging matalino siya. Iniisip ko minsan kung anu pang kahihiyan ang aabutin ko sa hinaharap kung hindi ko pa itutuwid ang mga bagay-bagay sa ngayon.
Hindi ko maiaalis ang mangamba pagkat sa aking pagiging marupok ay naging parte ako ng maling sistema. Kaya ko pa bang kumawala? Mahirap na. Pero hindi ko din maialis ang munting tinig na nangungusap sa kalooban ko na hanggang ngayon ay nagpapaalala sa aking may pag-asa pa. Na kung gusto ay kayang paraanan. Na kung nagawa kong maging mandaraya para hindi maiwan e kaya ko ding pumasa gamit ang sarili kong talino at kakayahan. Hindi madaling lunasan ang malubhang karamdaman ngunit pwede namang dahan dahanin at unti-untiin hanggang sa tuluyang gumaling.

Minsan nang sumagi sa isip ko ang umalis na lamang ngunit sa wari ko’y hindi nito maiaalis ang mantsang nanunuot na sa aking katauhan. Kung san ka nadapa, doon ka bumangon. Kung saan ka nagkamali, doon mo itama dahil wala nang ibang lugar pa nang pagtatamaan mo nito. Nakakatakot at tila imposible, pero walang imposible sa taong matatag ang paninindigan sa buhay. Kung alin man o sino man ang nag-udyok sa iyo para gumawa ng isang pagkakamali, gawin mo ito/siyang target para unang maturuan nang iyong “Pagpapakamabuti 101”. Hindi mo maiaalis na parurupukin ka ng mga yan, pahihinain ka at sadya kang itutulak pa. Maging isip bata ka at makulit. At hayaan mong sila ang sumuko sa’yo. Magaling din naman sila sa utakan, e gawin mong utakang literal ang labanan.

Sa tingin ko, hindi pa naman huli para sa akin. Hindi ko masasabi pa ngayon kung magiging matagumpay ako sa hinaharap dahil sa sinapit ko noong nakaraan, pero ang mahalaga alam ko kung nasaan ako ngayon. Ang hinaharap ay bunga lamang nang ating imahinasyon, ng ating pag-iisip na minsan siya pang kumokontrol nang higit sa atin. Hinahayaan nating kontrolin tayo ng isang bagay na hindi naman tunay. At sa sobrang pag-iisip natin sa hinaharap, hindi na natin namamalayan ang mga pagkakamaling nagagawa natin sa kasalukuyan. Natuto tayong maging maramot at gahaman para sa isang pesteng hinaharap na huwad naman. Pano kung mamatay ka bukas? Ni hindi mo nagawang malasap ang hinaharap na matagal mong pinangarap. Ang punto, kung gusto mo ng magandang bukas, itama mo ang buhay mo ngayon imbes na isakripisyo mo ang integridad mo bilang tao para madaling makuha ang gusto mo. Samantalang ang nakaraan nama’y lumipas na at hindi na mababago pa, masarap lamang balik-balikan ngunit hindi mo dapat gawing tirahan. Pinanghihinayangan mo? E nangyari na eh. Malamang kung matino kang nabuhay noon, wala kang pagsisisi ngayon, kaya wag mo nang gawin pa ang pagkakamaling nagawa mo na. Nagkulang ka noon, punan mo ngayon. Ang kasalukuyan, ito ang konkretong realidad. Ito ang nangyayari sa ngayon na tanging ang  ating desisyon lamang ang basehan ng kahahatungan.

Matuto. Yun lang naman talaga ang gusto ko. Matuto ng marami hindi para purihin ng iba, kung di para magawa ko ng tama at maganda ang mga dapat kong gawin. Sadyang bilang tao, ginapang lang ako ng kasakiman nang ninais kong matamo ang mga bagay bagay sa mabilisang pamamaraan. Tingnan mo naman ako ngayon, ako na yata pinaka-bobo sa buong mundo. Pero siyempre biro lang yun dahil sabi nga ng gasgas na kasabihan, “walang taong bobo, tamad lang.” Tamad lang ako. Kaya pagsisikapan kong sumipag ng husto para naman mayari ko na kayo. Wahahahahahahahaha. >;D

Nagkamali ako noon, itatama ko ngayon. Ang alinmang hindi tamang nagawa noon, maniwala man tayo o hindi, kayang kaya pa nating ituwid ngayon. Ang nakaraan ay nagsisilbing aral lamang sa atin. Na sa buhay, konsensya at pagmamalasakit sa sarili mo’t sa iba dapat ang ating pinapakinggan. Parang Pilipinas lang yan, hangga’t sumasabay tayo sa bulok na kalakaran ng iilan sa gobyerno, malayo pa ang sikat ng araw sa ating munting tahanan. Ngunit kung magsisimula sa atin ang tiwala sa pagbabago at tayo mismo ang kikilos para maitama ang lahat ng pagkakamaling ito, malamang lamang, kaya na natin giyerahin ang China sa hinaharap at turuan sila ng virtue of sharing. Sabi nga ng isang palabas sa TV na napanuod ko kanina, “If you are not a part of the solution, you might be the cause of the problem.”

Ayokong matawag na problema at gusto ko ding mabuhay sa araw-araw nang taas noo sa iba. Hindi ko na kailangang makisama ngayon o matakot sa maaaring masabi ng iba, kasi alam ko sa sarili ko, ang tama at makatwiran ang ipinaglalaban ko. Namatay nang minsan ang matuwid na ako, pero nabubuhay naman ngayon ang mas pinatibay na bago. At sa pagkakataong ito, aalagaan ko ito ng husto. Para naman pag namatay ako, mas madami akong tribute kay Usec. Robredo o kay Ninoy Aquino, joke lang po.

Pagkat ang buhay ay isang mahabang exam, na walang makokopyahang sinuman. Ang bawat sagot, mali man o tama ay nakabase sa iyong desisyon, kung saan ang pagsapit ng checking of papers ay once lang, kaya habang may panahon pa, magdouble check ka na, di naman erasures are wrong eh. Baka kasi magsisi ka pag na-check na, one time big time lang ‘to at sad to say, wala nang re-take. J

Tara na! Review na. May oras pa!

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Anong Putahe ang Gusto mo?


Umabot ka ba sa puntong paggising mo sa umaga, parang gusto mo na lang matulog ulit? Gusto mong magtx, wala kang signal. Gusto mo mag-OL wala ka naman palang PC. Gusto mo mag-bomber man pero wala kang PSP. Sh*t! ang hirap diba? 

Tila taon ang binibilang ko tuwing sembreak dahil sa sobrang inip sa bahay, pero mas pipiliin ko na ito kesa magtest sa Calculus sa loob ng isang oras :) Dahil sa napakasensible na scenario na nangyayari sa buhay ko tuwing sembreak, nagmumuni-muni na lang ako. Wala akong ideya kung natural ba sa isang tao ang mag-isip ng kung anu-anung bagay kapag walang magawa sa buhay. At dahil madalas akong mag-isp ng kung anu-anong bagay, masasabi ko talagang wala akong magawa sa buhay. Pero hindi nangangahulugan ito na wala nang saysay ang buhay ko.:)

Sa pagtutuon ko ng maraming oras sa pagmumuni, napag-aaralan ko ng maayos ang iba’t ibang sistemang nangyayari sa paligid. Ang mga senyales kung nag-aayang magparami ang aso sa kapwa niya aso, kung china phone lang ang binibenta sa kanto at ang iba’t ibang ugali ng mga tao.

Araw-araw may nakikita tayong tao. (minsan talaga, hindi lang halata na tao sila, basta tao mga yan. tiwala lang.) May kaaya-aya sa tanawin, at meron din namang tama na ang daanan ng paningin, may worth it pagtuunan ng oras at meron din namang parang display lang, may masipag, may mabaho, may masarap plastikin at meron din namang masarap mahalin ngunit alinman sa mga ito ang nakikita mo, bahagi pa rin sila ng interesanteng mundong ito.

Sa loob ng labimpitong taon kong pamamalagi sa mundong ito, tila talento nang maituturing ang mabilis na pagkilatis ko sa ugali ng tao. Madaling malaman kung sino ang mga hinayupak na grade conscious, social climber, mga feelers, talakera, adik sa dota, mga baklang tago, babaeng inlab sa tibo, mga OC, mga future corrupt congressmen, mga piping marunong magsalita, mga kunwaring engot, mga emo at siyempre ung mga taong simple lang ang buhay pero masaya’t makulay :). Simula pagkabata ay hobby ko na ang kumilala sa lahat ng klase ng tao upang makapamili kung sino ang suitable na maging bahagi ng buhay ko.Hindi naman ito nangangahulugan na dinidiscriminate ko ang ibang tao, ang akin lang naman, parang mga handa sa fiesta yan, maaari mong matikman lahat pero kukunin at kakainin mo lang naman kung anu ang kaya mong ubusin. Kapag matakaw ka at nilamon mo lahat, sakit lang ng tiyan ang aabutin mo tama? Panandalian kang natuwa sa bawat lasa ng mga putaheng nakahanda ngunit kapalit nito ay walang kaparis na pag-utot at pag-eebak sa toilet ng ilang oras.

Parang buhay lang yan ng tao, maaari mong pakisamahan ang lahat sa pormal at disenteng pamamaraan ngunit kelangan mo pa ding pumili kung kanino ka sasandal sa oras ng kagipitan. Hindi mo kailangang bulatlatin ang buong pagkatao mo sa lahat ng tao, dahil gustuhin mo man o hindi, mayroong hindi tatanggap at manghuhusga sayo. Pwede kang maliitin at tapak tapakan. Mayroong makikitid ang utak at hindi ka maiintindihan, kapag nag-enjoy pa hindi ka titigilang pagtripan. Pero ganyan talaga ang realidad ng buhay, kung iiyakan mo, walang magbabago, madedehydrate ka lang. Kung papatulan mo, dalawa lang ang iyong hantungan, talo ka dahil mas matalak sila o panalo ka at ikaw na ang bagong kontrabida sa personalize mong primetime soap opera.

Mahalagang matutong makiramdam ang bawat tao upang maging mas matiwasay ang pamamalagi nila sa planet Earth. Kung baklang tago ka, talasan mo ang iyong pang-amoy at maghanap na ng mga tulad mong natatakot mabugbog ng mga tambay sa kanto kaya nag-aastang macho. Kung matalino ka, maghanap ka ng mga ka-level mo, hindi lang sa pag-iisip kung di sa ugali, madaming matalinong wirdo ngunit mayron din namang loko, at minsan pag matalino lahat ang mga kasama mo lalo na ung mga seryoso, naku ! wala pa man, naka-correct na grammar mo, madalas hindi magkasundi dhil ayaw magpatalo. Kung mapanlait ka naman, magpakamatay ka na, kasi wala sa lupa ang mga kauri mo, hinihintay ka lang sa impyerno, medyo tanga ka lang kaya naligaw ka dito. Kung emo ka, edi emo ka. hahahaha. Kung masayahin ka, edi i-share mo sa iba, at least lahat sumasaya. Kung mapagmahal ka, sh*t ! mapagmahal din ko, compatible tayo. Kung alam mong emotionally weak ka, wag kang tatambay sa mga feeling friendly na atmosphere, mga parasite mga yan, naghahanap lang ng biktimang mahuhuthutan. Kung bobo ka, well, sali na sa Society of Beauty and Brainless. At marami pang iba.

Honestly speaking, alam mo naman sa sarili mo kung sinong tao ang dapat sinasamahan at swak sa ugali mo. Maraming magaling magpanggap ngunit ang mahalaga naman ay hindi ka maging isa sa kanila, maging mapagmasid kna lang gaya ni Matanglawing Kuya Kim. Sa huli ang mahalaga lang naman ay ung tunay at matuwid ang pamumuhay mo sa mundo kasama ang mga taong pinili mo. At least mayabang ka pagharap mo kay San Pedro. At bago ko tapusin ang walang kwentang litanyang ito, nais kong iwan sa inyo ang isang walang kwenta ngunit nakatutuwang quote na natanggap ko kamakailan via GM:

“Ang pagpili ng kaibigan ay dpat alinsunod sa Republic Act 9003 (Ecological Solid Management Act of 2000) …

Ihiwalay ang PLASTIC at ibukod ang BULOK sa di nabubulok” :)

P.S. wala po sanang magagalit o matatamaan pagkat ito’y simpleng kuro-kuro lamang. wag kayong mag-aaya ng jombagan :)

Noise of Fart


Matapos ang isang taon … magsusulat na naman ako ng walang kwenta.

Ang sakit ng katawan ko pag gising kaninang umaga. Nautot ako sabay sabing “hoooo! lumabas din.” tapos natulog ulit ako. Pero siyempre hindi yan ang intro ng tekstong ito. Kumbaga palabok lang. Share lang.

Bigla lang nasagi sa aking malikot at makitid na kaisipan kung nasabi ba sa bibliya na ang kaingayan ay kasalanang mortal ng tao. Kung nasabi man ito, aba’y malamang sa impyerno na ang bagsak ko.

Ingay. Ingay daw ang isa sa senyales upang masabi na magulo ang lugar na kinalalagyan mo. Ito ang sumisira sa tulog ng mga batugang tulo laway, sa kunwaring matinong pagtuturo ng mga gurong 24/7 ang regla, sa konsentrasyon ng mga nagpe-facebook sa library at sa pagrerelax ng mga senador na hindi nakikinig sa kapwa nila senador sa session hall.

Nagtatype ako ng mabilis sa library ngaun, maingay ang keyboard at nakikibasa sa gingawa ko ang katabi ko. tsk! wala ka talagang privacy pag nasa Pilipinas kahit nasa Philippine Constitution Article 3 naman at Sec. __ na dapat na ginagalang ang pribadong buhay ng bawat tao. (hindi ko alam ang sec. # ng batas na yan kaya wag nang demanding) so tumawa na pala tong katabi ko. malamang nabasa niya ung may “UTOT”, so what?

May mga koreano sa likod ko. Ang ingay nila pero dahil pilipinas ito, hindi sila babawalan. Hindi nila maintindihan ang nasa computer dahil english, mga bobo talaga itong mga ‘to. Pero siyempre joke lang yun dahil nararamdaman ko ang pakiramdam ng hindi matatas sa pagsasalita ng lenggwaheng Ingles. Barok pa din ang english ko.

Ingay. Iba’t iba ang sanhi nito. Pusang lumalandi sa bubong, Busina ng C.Point-Holy Hi-way na matakaw sa pasahero o nanay na pumuputak. Iba-iba tama? May mga pagkakataong napapaupo ako sa isang tabi at nasasabi na lamang na ‘ang ingay ng mundo ko’. Una dahil madaldal ako. Pero di lahat ng dinadadal ko ay pawang ingay lamang. Kadalasan minumulat ko lang ang ibang tao sa katotohanan pero sa pabiro at maingay na paraan. Hindi ako nanlalait. Hinihanapan ko lang ng saya ang imperpeksyon ng bawat isa. Halimbawa, kung iiyak at dadamayan kita dahil pangit ka, gaganda ka ba? Pero kung aasarin na lamang kitang ‘Maganda’ kahit pangit ka, aminin mo, kahit joke yun, tuwang tuwa ka.

May pagkakaton ding kahit itikom ko ang aking bibig ay maingay pa din sa paligid. Naaasar ako kapag ganun. Gusto kong manahimik pero SASA mga nasa paligid ko. Bigla na naman akong mapapaisip nun sabay sabing “wag kang feeling Dianne, ganyan ka din kadalasan.” saka ako ngingiti. Logically speaking, naiirita ako sa sarili ko. Ang pinagkaiba lang, 50/50 ang sense ng mga sinasabi ko, sa ibang tao kasi wala ng sense pinahahaba pa. Yung iba pa nga, nakakabastos na, hindi pa nagsasawa.

Siguro sakit na ng karamihan ang ganitong ugali. Maingay— distorbo, sarap sapatusin sa lalamunan at kurutin sa may BO na kili-kili. Maaaring ang kaingayan minsan nagbubunga ng kasayahan pero hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga pagkakataong wala na tayong pakialam sa bunga nito sa ibang tao. May iba pa na palaging nagrereklamo dahil hindi daw sila maintindihan at pinakikinggan ng mundo kaya sila ganito, pero ang totoo …

Nakikinig lang ang mundo, baka sadyang maingay ka lang kaya’t hindi mo rin naririnig ang pakikiayon nito sa iyo. Subukan mong manahimik. Baka sakaling magkaintindihan kayo pareho. :)

Sabado, Oktubre 29, 2011

Sipunan Ranger

Ito ay kadugtong ng nauna kong blog tungkol sa mga walang kwentang pangyayari sa aking paglalakbay tuwing papasok sa paaralan araw-araw…
  Pagbaba ko ng jeep, ayan na! parang panibagong sagupaan na naman ang aking masasalubong sa daan… pasugod na ang batalyon ng mga batang sipunan! Takbooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!! at ilang sandali pa…siyempre naabutan nila ko…
  “Ate pengeng pera…” sabay abot ko sa pisong natitira sa aking bulsa…”Piso lang??? nag-aaral ka dun (sabay turo sa pamantasan kong mukhang pasyalan sa Makati) tapos piso lang pera mo???”. Talagang napaka walang hiya ng batang iyon, aba inisnab ang piso? Samantalang yung mga driver na nasakyan ko Piso lang ang kulang sa pamasahe ay parang nakapatay ka na ng milyong tao kung magalit sayo?
  Minsan nasagi sa aking natutulog na isip kung tama ba ang ginagawa ko? Eh kung araw-arawin ba naman ang panghihingi ng piso sayo e hindi ka mapapa isip? Minsan pati pagkaing isusubo mo na lang hihingiin pa…kahihiyan naman kung ipagdadamot mu pa… nasan ba ang mga magulang na nagpakasarap habang binubuo sila? Bakit kailangang pasanin sila ng mga taong mababait (sinungaling!) na taong tulad ko na hindi naman sila kaanu-ano?
   May isang matandang mukhang lasenggo noon na nagsabi sa amin ng barkada ko na huwag bibigyan ang mga abusadong bata na ito kasi daw namimihasa lang… sa kabilang banda maaring tama siya diba??? Kung bang bibigyan ko sila ng pera, pagkain ba talaga ang bibilhin nila o rugby na nagbibigay sa kanila ng panandaliang ligaya? Sila ba ang makikinabang sa kokonting barya o mga sindikatong nagnakaw sa kamusmusan ng mga kaawa-awang anak maralita?
   Ngunit tila ito talaga ang realidad para sa isang bansang lugmok sa hirap. Dumadami gaya ng mga bakla ang mga batang kalsada na ang itinuring na tahanan… Malulungkot ka ba kung mayaman ka? Siyempre naman…HINDI! Huwag kang epal, siguradong wala kang pakialam. Lalu na kung anak mahirap ka…problemado ka na sa sarili mo, aalalahanin mu pa sila?
   Sa totoo lang di ko alam kung pano tatapusin ang artiklong ito kaya bahala na kayo… isa lang ang naiwang palaisipan sa akin, bakit ba takam na takam sila sa sarili nilang sipon? Alin ba ang mas malasa, yellow o greenish? Kung curious ka tanungin mo sila, pero kung desidido ka makitikm ka na lang…
Batang Sipunan Ranger: Ang sarap kaya, TRY MO!
(ewww…)

Bayad Po

Sa inaraw-araw na pagpasok ko sa paaralan araw-araw (redundant ba??? style yan! walang makikialam).Maramimg mga kwento ang nabubuo sa aking malikot na isipan, yung iba may kwenta, pero kadalasan wala… at ito ung isa sa mga walang kwenta…
5:30 ng umaga nag-uumpisa ang aking paglalakbay sa umaga…ayos! palagi ko inaabangan kung alin sa mga suki kong Jeep ang masasakyan ko… ung kaskasero ba? Yung bingi? yung matakaw sa pasahero o yung mga driver na wala lang…
Kapag swerte ka, mabait at magalang ang driver ng jeep na masasakyan mo, yung tipong kapag buena manong pasahero ka, ipagkukuskos ka pa niya ng upuan… yun nga lang, tila probability sa lotto ang chances mo kung gusto mo maka-meet ng driver na ganito…kadalasan kasi, ang mga driver ngaun, kung di kaskasero e sadyang tila puno ng luga sa tenga (pati ata ulo apektado!)…
Si Manong A, takot atang abutan ng 2012 na sinasabing end of the world, sa sobrang bilis magpatakbo, parang katapusan na ng mundo! Sabay preno! ayun yupi yung katabi ko…hehehe. Si Manong B nman, ang lakas ng pandinig pag “bayad po!” ang sigaw mo…daig pa ang K9 na tinawag ng amo… pero pag sinabi mong “sukli ko po manong, estudyante lang po…” (1247x) aba kung di ka pa bababa, manigas ka! Dedma lang si LOlo…Pambihira! Eh si Manong C nman, hindi ko alam kung humahabol na senador sa susunod na eleksyon, kada kanto may stop-over sabay kaway sa mga naglalakad na tao…(ilang beses na ko na-late dahil dito!) at si Manong D! Na hindi lang tenga ang dipirensya kung di pati mata! “Maluwag pa, maluwag pa, konting siksik lang oh! Dalawa pa!”… nakamput! Gingawang sampuan ang pang waluhan na upuan!
Gayunpaman, kahit ganito sila manong driver e, enjoy pa din ako! hahaha. Siyempre nanjan na ang mga reklamador na pasahero! Ayos! World War 3! hahaha. Kaya kahit di na ko magreklamo…parang nakaganti na din ako, e kung senior citizen ba naman ang kalaban ni Manong, hihirit pa ba ko? Mura pa lang, ulam na! hahaha. Kya manong…sa susunod, wag mo kalimutan ang discount ni Lola, uugod ugod na, hahanapan mo pa ng ID! Pambihira ka…