Umabot ka ba sa puntong paggising mo sa umaga, parang gusto mo na lang matulog ulit? Gusto mong magtx, wala kang signal. Gusto mo mag-OL wala ka naman palang PC. Gusto mo mag-bomber man pero wala kang PSP. Sh*t! ang hirap diba?
Tila taon ang binibilang ko tuwing sembreak dahil sa sobrang inip sa bahay, pero mas pipiliin ko na ito kesa magtest sa Calculus sa loob ng isang oras :) Dahil sa napakasensible na scenario na nangyayari sa buhay ko tuwing sembreak, nagmumuni-muni na lang ako. Wala akong ideya kung natural ba sa isang tao ang mag-isip ng kung anu-anung bagay kapag walang magawa sa buhay. At dahil madalas akong mag-isp ng kung anu-anong bagay, masasabi ko talagang wala akong magawa sa buhay. Pero hindi nangangahulugan ito na wala nang saysay ang buhay ko.:)
Sa pagtutuon ko ng maraming oras sa pagmumuni, napag-aaralan ko ng maayos ang iba’t ibang sistemang nangyayari sa paligid. Ang mga senyales kung nag-aayang magparami ang aso sa kapwa niya aso, kung china phone lang ang binibenta sa kanto at ang iba’t ibang ugali ng mga tao.
Araw-araw may nakikita tayong tao. (minsan talaga, hindi lang halata na tao sila, basta tao mga yan. tiwala lang.) May kaaya-aya sa tanawin, at meron din namang tama na ang daanan ng paningin, may worth it pagtuunan ng oras at meron din namang parang display lang, may masipag, may mabaho, may masarap plastikin at meron din namang masarap mahalin ngunit alinman sa mga ito ang nakikita mo, bahagi pa rin sila ng interesanteng mundong ito.
Sa loob ng labimpitong taon kong pamamalagi sa mundong ito, tila talento nang maituturing ang mabilis na pagkilatis ko sa ugali ng tao. Madaling malaman kung sino ang mga hinayupak na grade conscious, social climber, mga feelers, talakera, adik sa dota, mga baklang tago, babaeng inlab sa tibo, mga OC, mga future corrupt congressmen, mga piping marunong magsalita, mga kunwaring engot, mga emo at siyempre ung mga taong simple lang ang buhay pero masaya’t makulay :). Simula pagkabata ay hobby ko na ang kumilala sa lahat ng klase ng tao upang makapamili kung sino ang suitable na maging bahagi ng buhay ko.Hindi naman ito nangangahulugan na dinidiscriminate ko ang ibang tao, ang akin lang naman, parang mga handa sa fiesta yan, maaari mong matikman lahat pero kukunin at kakainin mo lang naman kung anu ang kaya mong ubusin. Kapag matakaw ka at nilamon mo lahat, sakit lang ng tiyan ang aabutin mo tama? Panandalian kang natuwa sa bawat lasa ng mga putaheng nakahanda ngunit kapalit nito ay walang kaparis na pag-utot at pag-eebak sa toilet ng ilang oras.
Mahalagang matutong makiramdam ang bawat tao upang maging mas matiwasay ang pamamalagi nila sa planet Earth. Kung baklang tago ka, talasan mo ang iyong pang-amoy at maghanap na ng mga tulad mong natatakot mabugbog ng mga tambay sa kanto kaya nag-aastang macho. Kung matalino ka, maghanap ka ng mga ka-level mo, hindi lang sa pag-iisip kung di sa ugali, madaming matalinong wirdo ngunit mayron din namang loko, at minsan pag matalino lahat ang mga kasama mo lalo na ung mga seryoso, naku ! wala pa man, naka-correct na grammar mo, madalas hindi magkasundi dhil ayaw magpatalo. Kung mapanlait ka naman, magpakamatay ka na, kasi wala sa lupa ang mga kauri mo, hinihintay ka lang sa impyerno, medyo tanga ka lang kaya naligaw ka dito. Kung emo ka, edi emo ka. hahahaha. Kung masayahin ka, edi i-share mo sa iba, at least lahat sumasaya. Kung mapagmahal ka, sh*t ! mapagmahal din ko, compatible tayo. Kung alam mong emotionally weak ka, wag kang tatambay sa mga feeling friendly na atmosphere, mga parasite mga yan, naghahanap lang ng biktimang mahuhuthutan. Kung bobo ka, well, sali na sa Society of Beauty and Brainless. At marami pang iba.
“Ang pagpili ng kaibigan ay dpat alinsunod sa Republic Act 9003 (Ecological Solid Management Act of 2000) …
Ihiwalay ang PLASTIC at ibukod ang BULOK sa di nabubulok” :)
P.S. wala po sanang magagalit o matatamaan pagkat ito’y simpleng kuro-kuro lamang. wag kayong mag-aaya ng jombagan :)